Binuo namin ang Chrome hindi lang upang maging mas mabilis, ngunit upang bigyan ka rin ng kontrol sa iyong pribadong impormasyon habang tumutulong na protektahan ang impormasyong iyong ibinabahagi kapag naka-online ka.
Kapag hindi mo nais na maitala ang iyong mga pagbisita o pag-download sa website sa iyong kasaysayan ng browser at pag-download, maaari kang mag-browse sa mode na incognito. Bilang karagdagan, matatanggal ang anumang cookies na nalikha habang nasa mode na incognito pagkatapos mong isara ang window na incognito.
Kapag nagba-browse ka sa mode na incognito, makikita mo ang icon na incognito
sa sulok.
Partikular na kapaki-pakinabang ang mode na incognito dahil isa itong madaling paraan upang i-browse ang web sa pribadong paraan nang hindi kinakailangang baguhin ang iyong mga setting ng privacy nang pabalik-balik sa pagitan ng mga session ng pag-browse. Halimbawa, maaari kang magkaroon ng isang regular na session pati na ng isang session na incognito sa magkahiwalay na mga window nang sabay.
Maaari mong kontrolin ang lahat ng iyong mga kagustuhan sa privacy para sa Chrome mula sa dialog na Mga Pagpipilian, sa ilalim ng seksyong Privacy na matatagpuan sa tuktok ng tab na Under the Hood.
Matuto nang higit pa tungkol sa pamamahala sa iyong mga kagustuhan sa privacy para sa:
Gamit ang Chrome, maaari mong i-clear ang iyong data sa pag-browse anumang oras upang hindi maimbak ang impormasyong ito sa iyong browser. Mayroon kang ganap na kontrol sa kung aling mga uri ng data sa pag-browse ang nais mong mabura mula sa iyong browser, kabilang ang mga kasaysayan sa pag-browse at pag-download, cookies, mga na-save na password, at na-save na data ng form. Matuto nang higit pa
Sa ilalim ng mga setting ng nilalaman ng Chrome, maaari mong kontrolin ang iyong mga kagustuhan sa privacy para sa cookies, mga larawan, JavaScript, at plugin depende sa bawat site. Halimbawa, makakapag-set up ka ng mga tuntunin ng cookie upang awtomatikong payagan lamang ang cookies para sa tinukoy na listahan ng mga site na iyong pinagkakatiwalaan, at pagkatapos ay manu-manong pamahalaan ang pagba-block ng cookie at setting para sa lahat ng ibang site. Matuto nang higit pa
Gumagamit ang mga advertiser ng cookies upang i-personalize ang iyong mga ad at pahusayin ang iyong karanasan, upang makita mo ang mga ad na kawili-wili para sa iyo. Ang mga kumpanya ng advertising na mga miyembro ng Network Advertising Initiative (NAI) at iba pang mga pagsusumikap sa sariling pagkontrol ay nagbibigay-daan sa iyong mag-opt out sa pag-personalize na ito. Sa Chrome, maaari mong permanenteng panatilihin ang iyong katayuan sa pag-opt-out para sa browser kahit na i-clear mo ang lahat ng cookies sa pamamagitan ng pag-install sa extension ng Chrome na “Panatilihin ang Aking Mga Pag-opt-out”.
Labis kaming naging maingat upang tiyakin na idinisenyo ang Chrome na ang iyong privacy ang isinasaisip. Nakikipag-ugnay lamang ito sa mga serbisyo ng Google kung saan ganap na kinakailangang ihatid ang mga tampok at pagkamagagamit. Maaari mong hindi paganahin ang mga tampok na nangangailangan ng ganitong uri ng pakikipag-ugnay sa mga pagpipilian ng Chrome upang may kontrol ka sa kung ano ang ipinapadala sa Google kapag ginamit mo ang Chrome.
Google
Chrome Privacy Whitepaper
Mga Na-archive na Bersyon:
Enero 2012 |
Marso 2010