1. Home
  2. Tungkol sa Google
  3. Kumpanya
  4. Mga prinsipyo sa privacy

Kumpanya

Mga prinsipyo sa privacy

Sa Google, nagsusulong kami ng mga ideya at produktong madalas na isinasagad ang mga limitasyon ng umiiral nang teknolohiya. Bilang isang kumpanyang responsableng kumikilos, nagsusumikap kami upang matiyak na ang anumang pagbabago ay nakabalanse sa naaangkop na antas ng privacy at seguridad para sa aming mga user. Ang aming Mga Prinsipyo sa Privacy ay tumutulong na gabayan ang mga pagpapasya na aming isinasagawa sa bawat antas ng aming kumpanya, upang maaari kaming makatulong na protektahan at bigyang-kakayahan ang aming mga user habang tinutupad namin ang aming kasalukuyang layunin na isaayos ang impormasyon ng mundo.

Para sa higit pang impormasyon kung paano namin isinasagawa ang mga prinsipyong ito kabilang ang mga tool upang makatulong sa iyong kontrolin ang iyong mga sariling personal na setting, bisitahin ang aming Privacy Center.

  1. Gamitin ang impormasyon upang mabigyan ang aming mga user ng mahahalagang produkto at serbisyo.
    Ang "Pagtuon sa pagbibigay ng pinakamahusay na karanasan ng user" ang unang adhikain ng pilosopiya ng Google. Kapag nagbabahagi ang mga user ng impormasyon sa amin, nagbibigay-daan ito sa aming bumuo ng mga serbisyo at produktong mahalaga sa kanila. Naniniwala kami na ang pagtuon sa user ay nangangalaga sa parehong mga produkto at mga tampok na nagpapahusay ng privacy na nagsulong na ng pagbabago at bumuo ng tapat na madla ng mga user sa online.

  2. Bumuo ng mga produkto na nagpapakita ng matatatag na pamantayan at kasanayan sa privacy.
    Ang aming hangaring manguna sa larangan ng teknolohiya, kabilang ang pagbuo ng mga tool na nakakatulong sa mga user na pamahalaan ang kanilang personal na impormasyon sa isang simple, naa-access na paraan nang hindi lumilihis mula sa makabuluhang karanasan ng user. Sumusunod kami sa mga batas sa privacy, at panloob na kumikilos at nakikipagtulungan sa mga tagakontrol at mga kasosyo sa industriya upang bumuo at magpatupad ng matatatag na pamantayan sa privacy.

  3. Gawing transparent ang koleksyon ng personal na impormasyon.
    Nagsisikap kaming ipakita sa mga user ang impormasyong ginagamit upang i-customize ang aming mga serbisyo. Kung saan naaangkop, naglalayon kaming maging transparent tungkol sa impormasyon na mayroon kami tungkol sa mga indibidwal na user at kung paano namin ginagamit ang impormasyong iyon upang ihatid ang aming mga serbisyo.

  4. Bigyan ang mga user ng mga makahulugang pagpipilian upang protektahan ang kanilang privacy.
    Ang mga tao ay may iba't ibang alalahanin at pangangailangan sa privacy. Upang pinakamahusay na mapaglingkuran ang buong hanay ng aming mga user, nagsisikap ang Google na ialok sa mga ito ang mga makahulugan at piling-piling pagpipilian sa paggamit ng kanilang personal na impormasyon. Naniniwala kami na hindi dapat iniipit ang personal na impormasyon at nakatuon kami sa pagbuo ng mga produktong pinapayagan ang mga user na mag-export ng kanilang personal na impormasyon sa iba pang mga serbisyo. Hindi namin ibinebenta ang personal na impormasyon ng mga user.

  5. Maging responsable sa pamamahala sa impormasyong hawak namin.
    Kinikilala namin ang aming pananagutan na protektahan ang data na ipinagkakatiwala sa amin ng mga user. Lubos naming sineseryoso ang mga isyu ng seguridad at nakikipagtulungan sa malaking bilang ng komunidad ng mga user, nag-develop at panlabas na dalubhasa sa seguridad upang gawing mas ligtas at mas secure ang Internet.