Google Privacy Center

Transparency at Nais

Sa Google, lubos naming batid ang tiwalang ibinibigay mo sa amin, at ang aming responsibilidad upang maprotektahan ang iyong privacy. Bilang bahagi ng responsibilidad na ito, ipinaalam namin sa iyo kung anong impormasyon ang aming kinakalap kapag ginagamit mo ang aming mga produkto at serbisyo, kung bakit namin kinokolekta ito at kung paano namin ito gagamitin upang pagbutihin ang iyong karanasan.

Mayroon kaming 5 panuntunan sa privacy na naglalarawan kung paano namin diskartehan ang privacy at impormasyon ng user sa lahat ng aming mga produkto:

  1. Gamitin ang impormasyon upang bigyan ang aming mga user ng mahalagang mga produkto at serbisyo.
  2. Bumuo ng mga produkto na nagpapakita ng matatag na mga pamantayan sa privacy at kasanayan.
  3. Gawing transparent ang koleksyon ng personal na impormasyon.
  4. Bigyan ang mga user ng makahulugang mga pagpipilian upang protektahan ang kanilang privacy.
  5. Maging responsable sa pamamahala sa impormasyong pinangangasiwaan namin:

Ang Privacy Center ay nilikha upang bigyan ka ng impormasyong madaling maunawaan tungkol sa aming mga produkto at patakaran upang tulungan kang magsagawa ng mas marami pang mga pinag-isipang pagpapasya tungkol sa kung aling mga produkto ang iyong gagamitin, paano gamitin ang mga ito, at anong impormasyon ang ibibigay mo sa amin.

Mga patakaran sa privacy

Inilalarawan ng Patakaran sa Privacy ng Google kung paano namin pinamamahalaan ang personal na impormasyon kapag gumamit ka ng mga produkto at serbisyo ng Google.

Ang sumusunod na mga pahayag ay ipinapaliwanag ang tukoy na mga kasanayan sa privacy na may pagtatangi sa ilang mga produkto at serbisyo:

©2010 Google - Tungkol sa Google